Ano ang FlashScore News?
Ang FlashScore News ay ang aming komprehensibong sports information service na kasama ng live scores at statistics ng FlashScore. Nagbibigay ito ng mga original na artikulo, opinyon, pagsusuri, at panayam sa iba't ibang sports, nagbibigay ito sa mga fans ng mas malalim na coverage at insights.
Bakit ako nakakita sa FlashScore ng mga artikulo mula sa ibang websites?
Naglalagay kami ng mga artikulo mula sa ibang sites para mabigyan ka ng mas malawak na sakop ng sports news at insights, lahat sa iisang lugar. Sa ganitong paraan, makakakuha ka ng mas maraming impormasyon at pananaw nang hindi na kailangang mag-browse sa iba’t ibang sites.
Ano ang Top News notifications?
Ang Top News notifications sa FlashScore app ay para na mapanatiliin kang updated sa mga pinakabagong balitang pampalakasan, kabilang ang player transfers, awards, titles, at iba pang mahahalagang kaganapan. Ang mga alertong ito ay para hindi ka mahuhuli sa mga importanteng balita sa mundo ng sports.
Saan at paano ako pwedeng makinig sa live na audio commentary?
Para makinig sa live audio commentary sa FlashScore, pumunta sa Match Details. Hanapin ang specific na laban na interesado ka sa FlashScore website o app, at sa loob ng match details, i-click ang 'Start Audio Commentary' button para magsimula. Available ang feature na ito para sa piling mga laban, kabilang ang major leagues at tournaments. Pwede ka ring makinig habang ginagamit ang ibang apps o kahit nasa biyahe ka.
Bakit hindi ko magamit ang audio commentary sa bawat laro at liga?
Nag-aalok kami ng libreng audio commentary para sa piling football matches, kabilang ang major leagues at tournaments tulad ng Premier League, Champions League, at mga national team games. Pero, dahil sa limitadong resources at broadcasting rights, hindi lahat ng sports at laban ay may audio commentary. Patuloy naming pinapalawak ang aming coverage para sa mas maraming fans.
Possible bang maging FlashScore commentator?
Oo naman! Para mag-apply, i-email si Marek Augustín sa marek.augustin@livesport.eu at ibahagi ang ilang pangunahing impormasyon tungkol sa'yo, ang iyong karanasan, at isang audio sample ng iyong commentary. Siguraduhing ipinapakita ng sample mo ang ganda ng boses mo, kaalaman sa sport, at galing sa wika. Ang karanasan ay isang bonus pero hindi kinakailangan—pinahahalagahan din namin ang passion at pagiging maaasahan!
Saan at paano ko mahahanap ang video previous para sa laro?
Nagbibigay kami ng video previews para sa piling major competitions o matches, tulad ng Premier League, finals ng malalaking tournaments, at mahahalagang laban. Karaniwang makikita ang mga preview na ito sa Match detail, sa aming opisyal na YouTube channel, at sa mga kaugnay na artikulo sa aming website at app. Para makita ang video preview ng isang specific na laban, bisitahin ang match page sa FlashScore; kung may available na video preview, makikita mo ito doon. Karaniwan naming inilalabas ang video isang araw o ilang oras bago ang laban. Tandaan, hindi lahat ng laban ay may video preview dahil nakatuon ito sa mga high-profile games.
Mayroon ba kayong live streams ng mga laro?
Dahil sa taas ng presyo sa licensing at komplikadong mga patakaran kaugnay ng licensing para sa aming global reach, hindi pa kami nag-aalok ng live streaming ng mga laban. Para sa karamihan ng laban, nagbibigay kami ng listahan ng mga links sa mga serbisyong may available na streaming.