Paano gumagana ang Favorites na feature?
Ang Favourites feature sa FlashScore ay para sa’yo kung gusto mong sundan ang mga paborito mong laban o teams. Kapag minarkahan mo sila bilang favourites, mabilis mong makikita ang latest scores, schedule ng mga laban, at makakatanggap ka pa ng mga real-time notification na swak sa’yo. Madali lang—pindutin mo lang ang star icon sa tabi ng laban o team na gusto mo. Pwede mo itong gamitin sa FlashScore website o mobile app!
Ano ang limitasyo sa pag dagdag ng teams at game sa Favourites?
Pwede ka mag add ng hanggang sa 200 na teams at 500 na laban sa iyong Favourites. Ang mga laban ay mag issang ma uupdate pag tapos na sila
Pwede ba akong mag add ng players at mga liga sa Favourites?
Hindi pa. Pwede mong pindutin ang Star icon sa tabi ng competition na gusto mong sundan, at makikita mo ito sa itaas ng match list. Pero hindi ka makakakuha ng notifications para sa bawat laro ng competition na ‘yon. Ang Follow player feature ay nasa plano namin, kaya abangan lang!
Pwede ko ba isabay ang Favourites sa aking kalendaryo?
Sa ngayon, wala pa kaming pang export para sa kalendaryo pero maari naming idagdag sa ibang panahon.
Pwede ko bang palitan ang default na sport or order ng mga sport sa menu?
Hindi ito posible sa web, pero pwede mong i-customize ang sports menu sa mobile app. Makikita mo ang option na ito sa Settings—pwede mong baguhin ang default sport o ayusin ang pagkakasunod-sunod ng lahat ng sports sa menu.
Pwede ko bang isort ang laro gamit ang start time?
Oo naman! Sa web at sa mobile app, pwede mong baguhin ang default sorting ng matches—pwedeng ayon sa competition name o match start time. Makikita mo ito sa Settings (i-tap ang icon sa upper right corner).
Paano ko palitan ang time zone sa FlashScore
Ang time zone ay automatic na naka base sa iyong gamit ng device. Kung gusto mong palitan ang timezone na nakikita mo sa FlashScore, pwede mong palitan ito sa settings ng iyong gamit na device (pwede sa web at sa mobile app).
Paano ko palitan ang wika?
Sa mobile app. pwede mo palitan ang wika sa Settings (pindutin ang icon sa kanang tass). Maaring alamin na ang pagpalit ng wika ay maaring makaapekto para sa ibang mga features kagaya ng Balita, Audio na Komentartyo o Odds.
Paano ko lakihan ang mga font?
Sa web, pwede ka mag zoom gamit ang normal na pang zoom ng iyong gamit na browser. Sa mobile apps, wala kami ngayong paraan para inyong palitan ang laki ng mga font.
Paano ko palitan ang theme para maging dark mode?
Mapapalitan mo ang theme mula sa maliwanag o madilim sa pamamagitan ng pag punta sa Settings (pindutin ang icon sa kanang itaas na bahagi).