Pangkalahatang tanong

Ads at Subscription

Bakit merong mga ads sa FlashScore?

Ang kita mula sa mga advertisement ang nag cocover ng operational costs, kaya't libre mong naa-access ang live scores at sports information. Ang ad-free subscription ay kasalukuyang available lang sa aming iOS app, pero maaaring i-launch din namin ito sa Android sa hinaharap.

Pwede ko ba tanggalin ang ads?

Oo, pero sa ngayon, available lang ito sa iOS app bilang bahagi ng subscription. Sa subscription, matatanggal ang lahat ng banner ads, pero hindi ang odds. Ang odds ay bahagi rin ng advertising, pero mahalaga itong feature para sa mga users namin.

Ad-frree subscription - Paano ito gumagana?

Ang subscriptions sa iOS ay nagtatanggal ng banner ads sa iOS app sa lahat ng devices na naka-link sa parehong Apple ID.

Mananatili ang betting content dahil nagbibigay ito ng halaga at mas magandang experience sa mga users namin. Sa hinaharap, maaaring magdagdag kami ng option para maitago rin ang betting content kapalit ng karagdagang bayad. Gayunpaman, hindi posible sa teknikal na aspeto na itago ang mga content collaborations (halimbawa, sponsored collaborations sa video o infographic) o ads sa third-party players tulad ng YouTube.

Sa ngayon, ang subscriptions ay hindi pa available para sa ibang platforms bukod sa iOS. Kapag nag-login ka sa bagong iPhone, maaaring kailanganing i-restore ang existing subscription sa app settings.

Ad-free subscription - Kailangan ko ba mag register sa FlashScore para bumili [o ibalik] ang aking subscription?

Hindi, hindi mo kailangang mag-register sa amin. Ang subscription ay naka-link sa iyong Apple ID, na hiwalay sa registration sa FlashScore.

Ad-free subsription - Paano ko ikansela ang aking subscription?

Madali mong makakansela ang iyong iOS subscription sa iyong Apple ID account sa ilalim ng Subscriptions, o direkta sa app sa pamamagitan ng Settings > Subscription Settings.

Ad-free subscription - Bakit nakakakita parin ako ng mga ilang ads?

Ang odds at betting content ay nananatiling naka-display dahil nagbibigay ito ng halaga at mas magandang experience para sa mga users. Maaaring sa future ay magdagdag kami ng option na maitago ang betting content kapalit ng karagdagang bayad. Hindi rin posible sa teknikal na aspeto na itago ang content collaborations (halimbawa, sponsored collaborations sa video o infographic) o ads sa third-party players tulad ng YouTube.

Kapag nag-login ka sa bagong iPhone, maaaring kailanganing i-renew ang existing subscription sa app settings. Para ma-restore ito, dapat sapat na ang pag-login ng iyong device sa Apple account (Apple ID). Kung hindi sapat, pumunta sa Settings > Upgrade to FlashScore+ > Remove banner ads at i-click ang "Restore previous subscription".

Ad free subscription - Bakit tumataas ang presyon ng aking ios subscription at / o bakit ako nakakakuha ng

Pinahahalagahan namin ang iyong suporta at taos-puso kaming nagpapasalamat. Umaasa kami na mananatili ka sa amin. Gayunpaman, ang aming iOS subscription ay matagal nang nasa "test mode" na estado. Dahil nagdagdag kami ng mas maraming sports data, balita, video at audio content, at naging mas epektibo sa advertising (kasama ang pagdaragdag ng bagong advertising zones), hindi na gumagana ang lumang solusyon para sa amin. Ang lumang pricing strategy ay hindi nakatulong para maibigay ang pinakamahusay na live score service at sports news dahil hindi nito nako-cover ang orihinal na gastos. Sa hinaharap, maaaring mag-introduce kami ng promotional pricing offers.

Mga Notification Tungkol sa Pagbabago ng Presyo:
May dalawang uri ng komunikasyon - Automatic notifications at emails mula sa provider (para sa iOS, ang provider ay Apple). Ito ay ganap na independent at automatic. . Notifications mula sa amin – Sinisikap naming iwasan ang sobrang komunikasyon para sa iyong convenience.